Brazilian football legend Pele, nabakunahan na ng coronavirus vaccine
SAO PAULO, Brazil (AFP) – Nabakunahan na ng COVID-19 vaccine ang 80-anyos na Brazilian football legend na si Pele, na tinawag niyang “unforgettable,” at hinimok ang mga tao na manatiling nakabantay sa nakamamatay na virus.
Ayon kay Pele . . . “Today was an unforgettable day. I received the vaccine! The pandemic is not over. We must remain disciplined to save lives because many people have not yet been vaccinated. This (the pandemic) will pass if we think of each other and help each other.”
Hinimok ni Pele ang publiko na laging magsuot ng face mask, maghugas ng kamay at sundin ang social distancing bilang proteksyon laban sa virus.
Si Pele na ang tunay na pangalan ay Edson Arantes do Nascimento, ay ikinukonsiderang isa sa “greatest footballers of all time.”
Makikita sa larawang naka-post sa isang social media, si Pele habang nakasuot ng face mask at naka-thumbs up habang binabakunahan.
Hindi naman sinagot ng press team nito kung ano ang bakunang ibinigay kay Pele, o kung ito ba ay una o ikalawang dose na.
Tanging manlalarong tatalong beses nanalo ng World Cups – isa sa Sweden noong 1958, sa Chile noong 1962 at sa Mexico noong 1970 – ay naka self-isolate sa kaniyang tahanan sa Sao Paulo state simula nang mag-umpisa ang pandemya, na ikinasawi na ng higit sa 255,000 katao sa Brazil.
Dahil isa nang octogenarian, si Pele ay bahagi na ng populasyon na ikinukonsiderang “high risk” sa coronavirus complications.
Bumagsak ang kaniyang kalusugan sa mga nakalipas na taon, at naging limitado na ang kaniyang public appearances, kung saan makikita siyang sakay ng isang wheelchair o gumagamit ng walker.
© Agence France-Presse