‘Breaking Bad’ stars na sina Bryan Cranston at Aaron Paul, magkakaroon ng appearance sa final season ng ‘Better Call Saul’

Bryan Cranston attends “Birthday Candles” Broadway Opening Night at American Airlines Theatre on April 10, 2022 in New York City. John Lamparski/Getty Images/AFP 
John Lamparski / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP

Nakatakdang maging guest star sina Bryan Cranston at Aaron Paul, ang dalawang leading men ng “Breaking Bad,” sa final season ng prequel series nito na “Better Call Saul.”

Kinumpirma ng co-creator ng show na si Peter Gould, na kasama rin sa Emmy-winning series na “Breaking Bad,” na magkakaroon ng apperance ang Walter White character ni Cranston at Jesse Pinkman ni Paul, bagama’t hindi na nagbigay ng dagdag pang mga detalye.

Ayon kay Gould . . . “How or the circumstances or anything, you’ll just have to discover that for yourself, but I have to say that’s one of many things that I think you’ll discover this season.”

Aaron Paul attends the AMIRI Autumn-Winter 2022 Runway Show on February 08, 2022 in Los Angeles, California. Rodin Eckenroth/Getty Images/AFP 
Rodin Eckenroth / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / Getty Images via AFP


Maraming mga character mula sa “Breaking Bad” ang lumabas sa “Better Call Saul” kahit na ang mga kaganapan ng una ay naganap ilang taon lang ang nakalipas, ang pinakahuli ay ang mga cameo roles ni Dean Norris (Hank Schrader) at Steven Michael Quezada (Steven Gomez).

Sinusundan ng “Better Call Saul” si Bob Odenkirk bilang kinikilalang karakter sa mga unang panahon ng kuwestiyonableng mga taon ng pagiging abogado niya, bago siya nagpatuloy para katawanin si Walter White sa “Breaking Bad” nang ang chemistry teacher ay maging isang drug kingpin sa Albuquerque, New Mexico.

Isang feature film ang inilabas sa Netflix noong 2019, ang “El Camino: A Breaking Bad Movie,” tungkol sa karakter ni Aaron Paul matapos at habang ang final events ng “Breaking Bad.”

Ang final season ng “Better Call Saul” na kinatatampukan ni Odenkirk kasama nina Rhea Seehorn, Tony Dalton, Giancarlo Esposito, at Jonathan Banks — kung saan sina Esposito at Banks ay main players din sa “Breaking Bad” — ay magkakaroon ng premiere sa unang kalahati nito simula sa April 18 at ang huling kalahati ay ilalabas sa July.

Please follow and like us: