Covid-19 cases sa bansa umabot na sa 228,403
Umakyat na sa 228 403 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid- 19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,987 mga bagong kaso ng virus infection.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 818 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 153 new cases, Laguna na may 125 new cases, Negros Occidental-122 new cases, at Rizal – 78 new cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 880 na bagong mga gumaling mula sa Covid- 19.
Dahil dito aabot na ngayon sa 159, 475 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa Covid-19 sa bansa.
May 65 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 55 ay nasawi ngayong Agosto, 6 noong Hulyo, 1 noong Hunyo, at 1 noong Abril.
Sa ngayon, umakyat na sa 3 688 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19.
May 24 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan.
Madz Moratillo