Breast Cancer Awareness Month, ginugunita ngayong Oktubre
Ipinagdiriwang sa buwang ito ang Breast Cancer Awareness month hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Ayon sa Philippine Society of Medical Oncology o samahan ng mga doktor na espesyalista sa sakit na cancer….. ang breast cancer ay nangungunang kanser ng mga kababaihan sa buong Asya.
Nilalayon ng paggunita na lubos na pahalagahan ang kalusugan lalong lalo na at nararanasan ang Global Health crisis.
Kaugnay nito, nagsagawa ng Breast cancer Lay forum ma tinawag na Usapang Dibdib-an na pinangunahan ng Philippine College of Chest Physicians at Philippine Society of Medical Oncology.
Sinabi ni Dra. Josephine Contreras –Tolentino mula sa PSMO na tinatayang tatlo sa isang daang Filipina ang maaaring dapuan ng Breast cancer bago sumapit sa edad na 75 at isa dito ay maaaring masawi.
Sinabi ng eksperto sa kanser na nakalulungkot na dahil sa nararanasang pandemya, ….kumonti ang mga nagpapa check up…kakaunti ang kumukunsulta sa mga doktor dahil takot na lumabas ng bahay dahil sa Covid 19.
Ayon kay Tolentino, hindi dapat na maging ganito ang mangyari lalo na kung kinakailangang may check-up at follow up check-up na gawin dahil sa taglay na karamdaman.
Binigyang diin pa ni Tolentino sa publiko na dapat alalahanin na hindi lamang Covid 19 ang sakit na nakamamatay….maraming iba pang sakit na dapat din naman anyang pagtuunan ng pansin ang publiko.
Belle Surara