Breastfeeding: Facts and Figures

breast-feedingQUEZON City, Philippines (September 2)

Ayon sa Natural Resources Defense Council (NDRC), sa panahon ngayon ay mahalaga ang breastmilk para sa iyong baby, at ang mga benepisyong makukuha dito. Dito makukuha ang mga bitaminang kailangan ng bata sa unang anim na buwan at nakatutulong rin ito upang maiwasan magkasakit ang bata.

May koneksyon ang breastfeeding at ang cognitive development ng bata ayon sa mga mananaliksik. Sa pagsusuri sa mahigit 17,000 infants mula pagkapanganak hanggang 6 1/2 na gulang ng bata, ang gatas mula sa ina ay nakakapag-improve ng kaisipan ng bata batay sa mga IQ scores at iba pang intelligent tests na isinagawa ng mga mananaliksik.

Isang pagsusuri sa halos 4,000 na bata, kung saan ipinapakita na ang mga batang laki sa gatas ng ina ay mataas ang scores sa vocabulary test sa edad na limang taong gulang kaysa sa mga batang hindi nakapag breastmilk.

Photo courtesy of www.sciencedaily.com

Mas nalilinang ang pag-iisip ng mga preterm infants sa breastmilk kumpara sa mga preterm infants na hindi nabibigyan ng gatas ng ina. Sa isang pag-aaral, nadiskubre ng mga mananaliksik na mataas ang tsansang maiwasan ang repiratory infection ng mga batang 30 months pa lamang sa pagbrebreastfeed.

Ayon sa mga eksperto, ang emotional bonding ng mag-ina sa breastfeed ay maaaring magbigay ng maraming benepisyo sa kanilang dalawa.

Photo courtesy of totalassist.co.uk

Marami ring benepisyo sa ekonomiya ang breastfeeding: mura ito kumpara sa mga binibiling infant formula at naiiwasan ang mga sakit na maaaring makuha ng bata. Mas marami ring bitaminang makukuha sa gatas ng ina kumpara sa infant formula. Maganda rin ito sa kalusugan ng bata mula pagkapanganak hanggang sa paglaki nito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *