Breeding ng bulldogs at cavaliers, ipinagbawal sa Norway
Ang Cavalier King Charles Spaniels ay kilala sa maliit nilang ulo, ang English bulldogs naman ay sa kanilang kulubot na muzzle — mga katangiang minahal ng kanilang owners.
Ngunit sa isang hindi pa naisasakatuparang hakbang, ipinagbawal ng Norway ang pagpaparami o breeding ng mga asong ito dahil ang pagiging cute ay nagdudulot naman sa kanila ng paghihirap.
Sa isang desisyon kamakailan, ipinagbawal ng korte ng distrito ng Oslo ang pagpaparami ng dalawang purebred na ito ng aso sa kadahilanang nagdudulot ito ng pinsala sa kanila, na labag sa Norwegian animal protection laws.
Pinuri ng animal rights activists at pinuna naman ng mga breeder, ang hatol ay ginawa sa gitna ng lumalaking debate: ang paghahanap ba ng mga cute na alagang hayop ay nagiging sukdulan sa kapinsalaan ng kapakanan ng mga hayop?
Ayon kay Ashild Roaldset, pinuno ng Norwegian Animal Welfare Society . . . “A lot of our breeds are highly inbred and have a massive burden of disease. We need to change the way we breed dogs. The way we breed dogs was maybe acceptable 50 years ago but is not acceptable anymore.”
Ang kaniyang organisasyon ang nagdala ng legal na kaso laban sa dogbreeding companies at mga indibidwal.
Ang Inbreeding ay naging sanhi para ang dalawang breed ay maka-develop ng isang “disease guarantee,” isang mahabang talaan ng namamanang mga sakit na nakaaapekto sa mas maraming indibidwal na aso, kung hindi man sa lahat.
Mukhang mabangis ngunit maamo — at mula pa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang simbolo ng British tenacity — ang English bulldog ay naka-develop ng respiratory difficulties dahil sa flat nilang muzzle, pati na rin ng dermatological, reproductive at orthopedic problems.
Higit sa kalahati ng bulldogs na isinilang sa Norway sa nakalipas na sampung taon, ay kailangang ipanganak sa pamamagitan ng Caesarian section.
Nakasaad sa ruling ng district court judges . . . “The race’s genetic inability to give birth naturally is reason alone for bulldogs not to be used for breeding.”
Para naman sa cavaliers — na kinagiliwan na ng marami sa nakalipas na maraming mga taon gaya nina Queen Victoria, dating aktor at US president Ronald Reagan at aktor na si Sylvester Stallone — malimit silang makaranas ng sakit ng ulo dahil maliit ang kanilang bungo. Mayroon din silang heart at eye problems.
Ani Roaldset . . . “These diseases cannot be bred away with other purebreds from abroad due to an overall lack of genetic diversity. The two breeds will eventually be led to extinction. And it’s going to be painful for them because they’re just going to get more and more diseases.”
Ang January 31 court ruling ay iniapela kaya’t hindi pa ito naipatutupad. Subali’t lubha iyong ikinagulat ng professional breeders.
Ayon kay Lise Gran-Henriksen, na 25 taon nang breeder . . . “In the judgement it was said that the dogs are born with headaches, I cannot understand that. If so, they would not be so happy. They are happy dogs that run around and look very healthy, and that’s what I think they are.”
Aminado ang professional breeders, na ang dalawang lahi ay nahaharap sa “mga hamon,” nguni’t sinasabing ang mga ito ay maaaring mapagtagumpayan sa pamamagitan ng “selective breeding” ng indibidwal na lahi na makatutugon sa ilang requirements.
Dagdag pa rito, tinukoy nila na ang court ruling ay hindi naman nagbabawal sa pagmamay-ari, pagbebenta o pag-aangkat ng bulldogs o cavaliers kundi ang pagbi-breeding lamang.
Wika naman ni Anne Grethe Holen na nagmamay-ari sa English bulldog na si Oscar . . . “I fear a rise in ‘undocumented dogs’ from ‘puppy factories’ abroad. Demand will not decline. And the dogs that are sold will be more sick. They won’t be subjected to any veterinary requirements and you won’t know anything about their pedigree.”
Meanwhile, the Animal Welfare Society says the future of the two breeds lies in crossbreeding them with other types of dogs to get rid of their genetic flaws.
Samantala, sinabi ng Animal Welfare Society, na ang kinabukasan ng dalawang lahi ay nakasalalay sa pag-crossbreed sa kanila sa iba pang mga uri ng aso, upang maalis ang kanilang mga genetic flaws.
Ayon kay Roaldset . . . “If the cavalier gets a slightly larger skull to fit their brain, it’s still… going to be the cutest dog in the world. And if the bulldog gets a little bit less wrinkly, a little bit longer snout and a better skeleton, it’s not going to be a horrible dog. It’s going to look a little bit different, but you can still call it a bulldog.”