British man, tatakbo ng 30 marathons sa loob ng 30 araw sa 30 iba’t ibang mga bansa
Nang matapos ni Mike Humphreys ang 42-kilometer (26.1 miles) run malapit sa Barcelona noong Biyernes (October 4), ay bumalik siya sa kaniyang van, mabilisang nag-shower at nag-drive ng 200 kilometers patungo sa Andora, kung saan muli siyang tumakbo ng kaparehong distansiya nang sumunod na araw.
Britain’s Mike Humphreys runs by the seaside front of the Barceloneta beach during his 30 marathons in 30 days, in 30 different countries. REUTERS/Nacho Doce
Nagpasya si Mike na subukan ang kaniyang limitasyon makaraang ma-diagnose ang dalawa sa kanyang mga kaibigan na may motor neuron disease (MND).
Britain’s Mike Humphreys warms up in front of the Estadi Olimpic Lluis Companys as he begins his 30 marathons in 30 days, in 30 different countries. REUTERS/Nacho Doce
Ang kanyang hamon, ay tumakbo ng 30 marathon sa loob ng 30 araw sa 30 iba’t ibang bansa sa buong Europa, upang makalikom ng pondo para sa MND research.
Nais ng trenta’y tres anyos na Briton, na makalikom ng pondo upang makatulong sa paghahanap ng lunas at treatment para sa motor neuron disease, isang hindi pangkaraniwang kondisyon na nakaaapekto sa utak at nerves. Wala pa itong lunas at unti-unting nakamamatay.
Britain’s Mike Humphreys runs down a street in Barcelona during his 30 marathons in 30 days, in 30 different countries. REUTERS/Nacho Doce
Sa ika-limang araw ng kaniyang marathon sa Cannes, France at Monaco, ang kaniyang page sa isang online charity fundraiser ay nagpapakitang nakalikom na siya ng 7,790 pounds ($10,187).
Nagpasya si Humphreys na kumilos na matapos ma-diagnose ang kaniyang kaibigang si Craig Eskrett na mayroong MND, habang namatay naman ang isa pa niyang kaibigan na si Carl Giblin, dahil sa nasabing sakit.
Britain’s Mike Humphreys writes in his notebook inside his van as he prepares to run 30 marathons in 30 days, in 30 different countries. REUTERS/Nacho Doce
Inaasahang tatapusin ni Humphreys ang kaniyang marathons sa November 2 sa Hull, UK