Broadcast journalist na si Jay Sonza, Efipanio Labrador at iba pang social media vloggers, gigisahin ng Tri-Committee ng Kamara sa isyu ng fake news

0
Broadcast journalist na si Jay Sonza, Efipanio Labrador at iba pang social media vloggers, gigisahin ng Tri-Committee ng Kamara sa isyu ng fake news

Surigao Del Norte Congressman Robert “Ace” Barbers

Muling magsasagawa ng pagdinig ang Tri-Committee ngayong araw, kaugnay ng pagpapakalat ng fake news sa social media.

Kabilang sa inimbitahan ng Tri-Committee ay si Jay Sonza, kasama ang iba pang social media personalities na kinabibilangan nina dating presidential communications secretary Atty. Trixie Angeles, Efipanio Labrador, Krizette Laureta Chu, Mark Lopez at Mary Jane Quiambao Reyes.

Una nang naglabas ng subpoena as testificandum ang Tri Committee dahil sa patuloy na hindi pagsipot sa pagdinig ng kamara laban kina Ernesto Abines, Lorraine Badoy, Atty. Glenn Chong at Sass Rogando Sassot.

Sinabi ni Surigao Del Norte Congressman Robert “Ace” Barbers, na pangunahing nagsulong ng imbestigasyon ng Tri Committee laban sa fake news sa social media sa pamamagitan ng isang privelege speech sa plenaryo ng kamara, na ang pangunahing layunin ng Kongreso ay makabuo ng isang regulatory body sa paggamit ng social media at hindi supilin ang freedom of expression na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *