Brooklyn Nets wagi kahit wala si Irving
Dinaig ng Brooklyn Nets ang Washington Wizards sa score na 128-86, sa una nilang game mula nang masuspinde ang star guard na si Kyrie Irving.
Nagdeliver si Kevin Durant ng 28 points, nine rebounds at 11 assists, habang nagdagdag naman si Nic Claxton ng 18 points para sa Nets, para sa ikatlo nilang tagumpay makaraang dumaan sa mga kontrobersiya.
Matatandaan na sinibak ng Nets ang head coach nito na si Steve Nash noong Martes, at sinuspinde si Kyrie Irving ng hindi bababa sa limang laro noong Biyernes, isang linggo matapos pagmulan ng kaguluhan ang isa niyang post sa social media na nagtatampok ng link ng isang pelikula na malawak na kinokondena bilang anti-Semitic.
Ilang oras matapos ma-anunsiyo ang kaniyang suspensiyon, ay humingi ng paumanhin si Irving sa pamamagitan ng Instagram, ngunit noong Biyernes din ay sinuspinde ng Nike ang ugnayan nito sa kaniya at kinansela ang nalalapit na paglulunsad ng kanyang Kyrie 8 signature shoe.
Matapos naman ang tagumpay ng Nets ay sinabi ng owner nito na si Joe Tsai, “Let’s put the joy back in basketball.’
Ayon kay Durant, “We just continued to move the basketball all night. Everybody touched it, everybody got to the paint and was able to generate some good offense. That’s how we want to play moving forward.”
Hindi rin sinuwerte ang kasalukuyang NBA champions na Golden State Warriors, na bumagsak sa kamay ng New Orleans Pelicans sa score na 114-105, na ika-lima na nilang sunod na pagkatalo.
Nanindigan naman si Warriors coach Steve Kerr na handa siyang palaruin kahit na sino, sa pagtatangkang baguhin ang mga bagay-bagay matapos niyang ibangko sina Stephen Curry, Andrew Wiggins, Klay Thompson at Draymond Green.
Muli ring natalo ang Los Angeles Lakers, matapos pangunahan ni Lauri Markkanen ang tagumpay ng Utah Jazz sa score na 130-116, nang kumamada ito ng 27 points.
Dinagdagan pa ito ni Jordan Clarkson ng 20 points at ni Kelly Olynyk ng 18 para sa Jazz, na nag-improve na sa 7-3.
Para naman sa Lakers, ay gumawa si Russell Westbrook ng 28 points at six assists, habang nag-ambag din si LeBron James ng 17 points at 11 rebounds, kahit nakararanas ng sore left foot at flu.
Samantala, patuloy pa rin ang pag-arangkada ng Milwaukee Bucks matapos talunin ang Minnesota Timberwolves sa score na 115-102 at mag-improve sa 8-0, na itinuturing na “best start” sa franchise history.
Nakuha naman ng two-time NBA Most Valuable Player na si Giannis Antetokounmpo ang ika-30 niyang career triple double sa pamamagitan ng 26 points, 14 rebounds at 11 assists, habang nag-ambag din si Jrue Holiday ng 29 points para sa Bucks, ang tanging natitirang team na hindi pa natatalo.
Sa Dallas, umiskor si Luka Doncic ng 35 points nang daigin ng Dallas Mavericks ang Toronto Raptors sa score na 111-110.
Napaghusay pa ng Serbian star ang kaniyang eighth straight game at ngayon ay kasama na siya ng NBA great na si Wilt Chamberlain bilang tanging manlalaro na naka-score ng 30 o higit pa sa walo o higit pang sunod-sunod na games para simulan ang isang season.
Dalawang ulit itong nagawa ni Chamberlain, kabilang na ang sa 23 games na may 30 o higit pa para simulan ang 1962-63 season.
© Agence France-Presse