BRP Gabriela Silang na puno ng mga relief goods, darating sa Bicol ngayong araw

Inaasahang darating ngayong araw ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Bicol region dala ang mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), puno ang barko ng mga sumusunod:

Mula sa PCG:
* 830 kahon ng food packs
* 70 sako ng bigas (50kgs)
* 1-unit Portable generator

Mula naman sa PCG Auxiliary:
* 37 kahon ng condensed milk
* 3 kahon ng corned beef
* 2 balikbayan boxes ng iba’t-ibang supplies

Laman rin ng barko ang mga sumusunod:

Mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD):
* 3,000 kahon ng food pack
* 3,944 bottles ng Purified drinking water
* Additional 400 gallons ng mineral water
* 2,000 kahon ng kitchen kits
* 1,000 kahon ng hygiene kits
* 450 sleeping kits
* 450 mosquito nets

Mula naman sa Philippine Red Cross (PRC):
* 500  corrugated galvanized iron sheets

Mula sa IOM at German Embassy:
* 1150  face shields
* 2180 kahon ng face masks (50 pcs per box)
* 120 kahon ng gloves (100 pairs per box)
* 10,120 alcohol bottles (500 ml. bottle)

Ang send-off ceremony noong November 3 ay pinangunahan ni PCG Commandant Admiral George Ursabia, Jr. sa Pier 13, Port Area, Maynila.

===========

AddThis Website Tools
Please follow and like us: