Brutal na pagkakapaslang sa katorse anyos na si Reynaldo de Guzman, isinisi ng mga Senador sa marahas na kampanya ng Pangulo laban sa droga
Sinisisi ng mga Senador ang marahas na kampanya ng Pangulo laban sa droga sa brutal na pagkakapaslang sa katorse anyos na si Reynaldo de Guzman.
Kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang pagpatay at iginiit na bunga lamang ito ng baluktot na patakaran ng administrasyon.
Nakakalungkot naman ayon kay Senador Joel Villanueva na ang pagpatay kay de Guzman ay katunayang wala nang kontrol ang police force sa kriminalidad.
Nakakabahala aniya na maraming kabataan na ang nadadamay at napapatay.
Kinastigo rin ni Senador Grace Poe ang PNO dahil tila pinaiikot ang publiko na holdaper din si de Guzman tulad ng pinalalabas sa kwento ng pagkakapatay sa kasamahan nito na si Carl Arnaiz.
Ulat ni: Mean Corvera