BSP inaasahang babagal ang inflation rate sa bansa sa mga susunod na buwan
Babagal ang implasyon sa bansa sa mga susunod na buwan batay sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ang inihayag ng BSP matapos ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang November 2022 inflation rate na pumalo sa 8%.
Ayon sa BSP, ang 8% inflation rate ay nasa loob ng forecast range ng central bank na 7.4% hanggang 8.2%.
Pero inaasahan ng BSP na babagal o magdi-decelerate ang implasyon sa mga susunod na buwan.
Ito ay bunsod ng pagbaba ng presyo ng global oil at non-oil prices, negative base effects, at ang epekto ng interest rate adjustments ng central bank na mararamdaman na sa ekonomiya.
Tiniyak ng Monetary Board na patuloy nito na ia-assess ang inflation outlook at macroeconomic prospect sa monetary policy meeting nito sa December 15.
Handa ang BSP na gawin ang lahat ng monetary policy actions upang mapabalik ang implasyon sa target-consistent path.
Moira Encina