BSP may bagong deputy governor
Nagtalaga ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bago nitong deputy governor.
Ayon sa BSP, si Eduardo Bobier na dating budget chief ng central bank ang bagong Deputy Governor of the Corporate Services Sector.
Si Bobier ay may master’s degree sa Business Administration sa De La Salle University at bachelor’s degree sa Commerce sa Manuel L. Quezon University kung saan siya nagtapos ng magna cum laude.
Siya rin ay certified public accountant at nag-aral ng portfolio management sa World Bank noong 2011.
Mahigit tatlong dekada na ang lumipas nang simulan niya ang kanyang karera sa central bank bilang statistician sa Department of Economic Research nito.
Tiniyak naman ni Bobier ang epektibong pangangasiwa sa financial at physical resources ng BSP para maayos na masuportahan ang core functions nito.
Moira Encina