BSP nag-donasyon ng bill counters sa BOC para sa cross-border currency examination
Lumagda ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng deed of donation at memorandum of agreement sa Bureau of Customs (BOC) para sa pagkakaloob ng multi-currency bill counters sa kawanihan.
Ayon sa BSP, 13 multi-currency bill counters na may printers ang ibinigay nito sa BOC upang magamit sa mga pangunahing pantalan sa bansa para sa eksaminasyon at validation ng mga salapi.
Ang donasyon ay bahagi ng mga patuloy na hakbangin ng central bank para makatulong sa epektibong pagpapatupad ng mga patakaran sa physical cross-border transfer of currencies.
Isinagawa online ang signing ceremony nina BSP Governor Benjamin Diokno at BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Sinabi ni Diokno na mahalaga ang papel ng BOC sa implementasyon ng mga regulasyon sa cross-border transfer ng mga salapi.
Umaasa ang opisyal na ang donasyon ng BSP na bill counters na mag-o-automate sa kasalukuyang manu-manong eksaminasyon at pag-iimbentaryo ng pera ay magpapalakas sa kapasidad ng BOC.
Moira Encina