BSP nagbabala laban sa pagbebenta online ng 20-Piso at 5-Piso na barya sa mas mataas na halaga

Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na hindi dapat bilhin ang 20-Piso at 5-Piso na barya sa mas mataas na presyo o halaga mula sa online sellers.

Ayon sa BSP, nasa sirkulasyon pa mula noong Disyembre 2019 ang 20-Piso at 5-Piso New Generation Currency (NGC).

Sa datos ng central bank sa pagtatapos ng Pebrero 2022, kabuuang 290.09 milyong piraso ng 20-Piso NGC na barya at 1.90 bilyong piraso ng enhanced 5-Piso na barya ang
nasa sirkulasyon pa rin.

Ang mga nasabing barya ay legal tender at puwedeng ipambayad sa mga produkto at serbisyo.

Moira Encina

Please follow and like us: