BSP nakaalerto sa posibleng implikasyon sa ekonomiya ng bansa ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine
Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nananatili itong mapagbantay sa mga posibleng epekto sa ekonomiya ng bansa ng labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon sa BSP, inaasahan nito na ang kaguluhan sa dalawang bansa ay patuloy na hahatak papataas sa pandaigdigang presyo ng mga bilihin partikular ng langis at wheat.
Makakaapekto din anila ang giyera sa mga prospect sa global trade at investments bunsod ng pangamba at mahinang market confidence.
Suportado naman ng BSP ang mga fiscal measures ng pamahalaan para maibsan ang epekto sa ekonomiya ng Russia-Ukraine war at maingatan ang momentum sa economic recovery.
Prayoridad ng central bank ang pag-sustain sa economic recovery ng bansa kaya nakatuon ito sa pagpapanatili sa monetary policy support.
Siniguro naman ng BSP na handa itong tumugon sa mga epekto bunga ng implasyon.
Una nang inihayag ng Department Of Finance na pansamantala lamang ang epekto ng krisis at nakalatag na ang mga fiscal measures upang maibsan ang tama nito sa ekonomiya at mamamayan.
Moira Encina