BSP pinayuhan ang mga bangko at retailers na tanggapin ang mga folded P1000 polymer bills
Dapat tanggapin ng mga bangko at retailers o mga tindahan ang mga tinuping salapi, papel man ito o polymer.
Ito ang nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasunod ng mga posts sa social media ukol sa sinasabing hindi pagtanggap ng ilang establisyimento sa folded Php1000 polymer bills.
Ayon sa BSP, puwede tanggapin bilang bayad ang mga folded banknotes o salapi kahit ito ay papel o polymer.
Kamakailan ay naglabas ang central bank ng mga panuntunan sa tamang pangangalaga o paghawak sa mga polymer bills.
Kasama na rito ang paglagay sa mga nasabing salapi sa mga wallets na kasya ito gaya ng karaniwang bi fold wallets at pagpapanatili sa mga ito na malinis.
Moira Encina