BSP: Suplay ng bagong salaping papel at barya, sapat sa holiday season
Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may sapat na suplay ng bagong banknotes o salaping papel at mga barya sa harap ng inaasahang mas malaking demand nito sa darating na holiday season.
Ayon sa BSP, ang peak ng currency demand ay nagsisimula sa Oktubre at nagpapatuloy na tumaas hanggang Disyembre ng bawat taon.
Inihayag ni BSP Governor Benjamin Diokno na walang magiging shortage ng bagong perang papel dahil 40% at 50% ng kabuuang volume ng banknotes at coins ay isiniserbisyo kada ikaapat na quarter ng taon.
Inabisuhan naman ng BSP ang publiko na papalitan ng bago sa kanilang bangko ang mga unfit na perang papel at barya.
Hinimok din ni Diokno ang publiko na gumamit ng digital money para mabawasan ang hawahan sa virus bunsod ng patuloy na krisis sa kalusugan.
Moira Encina