‘Boy With Luv’ ng BTS umabot sa 1.5 billion ang views sa YouTube
Nakamit ng pinakasikat na music video ng Mega-hit Kpop group na BTS na “Boy With Luv,” ang isang bagong record nang umabot sa 1.5 bilyong view sa YouTube ang collaboration nila ng singer na si Halsey.
Ito ang kauna-unahang music video ng boyband na umabot sa ganoong milestone, at ito ay nangyari makalipas lamang ng tatlong taon mula nang ito ay ipinalabas.
Kasama na sila ngayon ni Psy (“Gangnam Style”) at ng Blackpink (“Kill This Love”) bilang tanging Kpop acts na nagkaroon ng 1.5 billion YouTube views.
Noong Nobyembre lang inanunsyo ng ahensya ng BTS na Big Hit Music, na ang “Boy With Luv” ay umabot sa 1.4 billion mark. Umabot naman ito ng isang bilyon noong Enero 2021.
Ang iba pang music videos ng BTS na lumampas sa one billion views ay ang “DNA,” “Dynamite,” “Mic Drop (feat. Steve Aoki),” “IDOL,” at “Fake Love.”
Ang “Boy With Luv” ang lead single ng kanilang 2019 album na “Map of the Soul: Persona,” na nagdebut sa No. 8 sa Billboard Hot 100, at nasa mga chart sa loob ng walong magkakasunod na linggo.
Kamakailan ay inanunsyo ng grupo na maglalabas sila ng bagong album sa Hunyo, makaraang matagumpay na natapos ang kanilang four-concert residency sa Allegiant Stadium ng Las Vegas.