Bucks binuhat ni Giannis sa panalo sa Nets
Pinuwersa ni Giannis Antetokounmpo ang overtime sa pamamagitan ng isang milestone three-pointer at dalawang free throws, para selyuhan ang 120-119 panalo ng Milwaukee laban sa Brooklyn.
Natapos ang Milwaukee superstar na si Antetokounmpo na may 44 points, 14 rebounds at six assists sa kanilang pagwawagi.
Si Kevin Durant naman ay may 26 points, 11 assists at seven rebounds para sa Brooklyn, pero ang kaniyang potential game-winning three-pointer ay hindi pumasok sa rim.
Binasag ni Antetokounmpo ang Bucks franchise scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar, kung saan umabante na siya sa unahan ng all-time list ng club.
Si Jrue Holiday ay nagdagdag ng 19 points para sa Milwaukee at si Khris Middleton ay gumawa ng 16 bago siya na-eject dahil sa isang foul sa kalagitnaan ng 3rd quarter.
Sa iba pang laro, nakaiskor ng 30 points at siyam na assists si Trae Young para pangunahan ang Atlanta Hawks sa wire-to-wire 131-107 victory kontra Cleveland Cavaliers.
Ito na ang pang-apat na sunod na panalo ng Hawks at nakakuha ng puwesto sa Eastern Conference play-in tournament, kung saan ang nasa pang-7 hanggang pang-10 puwesto na mga koponan ang maglalaban para sa huling dalawang puwesto sa playoffs proper.
Ang pagkatalo ng Cavs ay nagbigay daan din sa Boston Celtics para makasama sa playoff ticket, bagama’t hindi sila naglaro nitong Huwebes.