Bucks, Celtics at Knicks umabante na sa NBA In-Season tournament
Umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 33 puntos at nagdagdag si Damian Lillard ng 32 nang talunin ng Milwaukee Bucks ang Miami sa score na 131-124, at umabante sa knockout rounds ng NBA In-Season Tournament.
Sa huling gabi ng group stage play sa NBA inaugural version ng isang World Cup, nakuha ng Bucks ang Group B crown sa 4-0 at naging top seed sa Eastern Conference.
Tinalo ng Boston ang Chicago sa score na 124-97 upang manalo sa Group C at sumulong, habang ang New York Knicks, na pangalawa sa likod ng Milwaukee sa Group B, ay tinalo ang Charlotte sa score na 115-91 at magtapos sa 3-1 at umabante bilang wildcard batay sa superior point differential sa Cleveland na 42-29 .
Ang Indiana Pacers at Los Angeles Lakers naman ay nakakuha na ng puwesto sa susunod na linggong tourney quarter-finals bago ang semi-finals at finals sa susunod na buwan sa Las Vegas.
Sinabi ni Khris Middleton ng Milwaukee, “We completed the task. To get to Vegas now, we’ve got to do a little bit more. We want it. We’re hungry for it. It’s exciting times for us. We want to go to Vegas so we’re happy.”
Sumama sa Lakers sa West knockout stage ang Phoenix Suns, na nakakuha ng wildcard spot nang talunin ng Minnesota ang Oklahoma City sa score na 106-103.
Matatapos ang mga laro sa Western Conference sa huling walo kasama ang Golden State sa Sacramento at Houston sa Dallas. Ang Sacramento at Houston ay uusad na may tagumpay.
Sa Miami, binuksan ng Bucks ang 15-2 lead para magsimula, sumagot ang Miami ng 16-4 run, pagkatapos ay isinara ng Milwaukee ang unang quarter sa 12-4 spurt para sa 31-22 lead.
Ayon kay Middleton, “We started out great, but it’s hard. You’re just not going to knock a team down in the first five minutes. They did a great job coming back. We did a great job keeping our composure and finding a way to close this thing out.”
Ang Miami, na wala sina Jimmy Butler at Tyler Herro dahil sa ankle sprains, ay nakabawi para sa 62-59 halftime edge at nanguna sa 97-93 pagpasok ng fourth quarter.
Si Middleton, na may 17 puntos at walong rebounds, ay nagsalpak ng back-to-back jump shots para sa 122-118 Bucks lead at ang dunk ni Brook Lopez ang nagpauna sa Milwaukee sa 129-124, may 38 segundo na lang sa laro. Ang panghuling dunk ni Antetokounmpo ang nagselyo sa panalo.
Sabi pa ni Middleton, “Thankfully I was able to hit a couple shots. I’m just happy we won a tough game. They had some guys out but some others stepped up and I think it was still a great win for us.”
Antetokounmpo hit 11-of-16 from the floor and 10-of-13 from the free throw line and grabbed 10 rebounds with five assists while Lillard, 9-of-18 from the floor and 10-of-10 from the line, added nine assists.
Umiskor si Antetokounmpo ng 11-of-16 mula sa floor at 10-of-13 mula sa free throw line at humakot ng 10 rebounds na may limang assists, habang si Lillard na umiskor ng 9-of-18 mula sa floor at 10-of-10 mula sa linya, ay nagdagdag ng siyam na assist.
Sa New York, umiskor si Julius Randle ng 25 puntos at humakot ng 20 rebounds habang si Immanuel Quickley ay may 23 puntos mula sa bench para pukawin ang Knicks laban sa Charlotte.
Kinailangan ng Boston ng isang lopsided win upang umabante at nakuha ito nang umiskor si Jaylen Brown ng 30 puntos, humakot ng walong rebounds at nagpasa ng anim na assist para pangunahan ang hosts laban sa Chicago.
Nagdagdag din ng 21 puntos si Jayson Tatum, at si Al Horford ay 16 points, nine rebounds at six assists para sa Celtics.
Si Spencer Dinwiddie ng Brooklyn ay may 23 puntos, siyam na rebounds at walong assists habang si Mikal Bridges ay nagdagdag ng 22 puntos at 10 rebounds sa 115-103 home win laban sa Toronto.
Hindi naman makaabante ng Cleveland kahit na naka-iskor tio ng 128-105 home win laban sa Atlanta. Si Donovan Mitchell ay nakagawa ng 40 points at sumunggab ng 11 rebounds para sa the winners, habang si Evan Mobley ay nagdagdag pa ng 17 points at 17 rebounds.
Ang Western Conference overall season leader na Minnesota ay sumabit sa pinakamataas na puwesto sa pamamagitan ng paggitgit sa bumibisitang Oklahoma City, na umakyat sa 13-4 habang ang Thunder ay nahulog sa 11-6.
Si Anthony Edwards, na umalis sa laro sa third quarter na may bugbog sa kanang balakang, ang nanguna sa Timberwolves na may 21 puntos habang nagdagdag si Rudy Gobert ng 17 puntos at 16 rebounds.
Ngunit hindi sapat ang margin of victory ng Minnesota para pigilan ng T-Wolves ang Phoenix na maabot ang quarter-finals.