BuCor chief Gregorio Catapang Jr. pinaiimbestigahan ang pagkatakas sa Bilibid ng PDL na si Michael Cataroja na unang napaulat na nawala at inakalang pinatay
Bubuo ng board of inquiry ang Bureau of Corrections (BuCor) para imbestigahan kung paano nakatakas sa New Bilibid Prisons ang inmate na si Michael Angelo Cataroja.
Ang imbestigasyon ay ipinagutos ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. matapos na maaresto muli ng mga pulis sa Angono, Rizal si Cataroja.
Si Cataroja ay unang napaulat na nawawala noong July 15 at inakalang pinatay at itinapon ang katawan sa isang septic tank sa Bilibid.
Ayon kay Catapang, nais niyang malaman kung sinu-sino ang responsable sa pagkatakas ng PDL.
Una nang nagpatawag ng mga pagdinig ang Senado at Kamara matapos ang ulat na posibleng pinatay at nasa septic tank sa Bilibid ang missing PDL.
Nakipag-ugnayan ang BuCor sa Angono police makaraan na may mga nag-ulat na nakita nila si Cataroja sa lugar noong Hulyo.
Moira Encina