BuCor ibinida ang master development plan nito sa jail officials mula sa ASEAN

0
IMG_20250216_081339_924

Ipinagmalaki ng Bureau of Corrections (BuCor) sa prison offficials at experts mula sa iba’t ibang bansa sa ASEAN ang master development plan nito para sa mga kulungan nito.

Ang BuCor katuwang ang Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) ang hosts ng ikalawang ASEAN Regional Correctional Conference na magtatagal hanggang Pebrero 17.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., target ng development and modernization plan na talagang ma-reporma at ma-reintegrate sa lipunan ang mga PDL.

Bukod dito, hangad ng BuCor na maging sustainable ang operasyon nito at makapag-ambag sa economic development ng bansa sa pamamagitan ng pagtatag ng special economic zones sa mga piitan nito at makapagbigay ng hanapbuhay sa PDLs.

“My battle cry is to make BuCor relevant, sustainable, and respected,” ani Catapang.

Samantala, tututok ang apat na araw na komperensya sa pagtalakay sa best practices sa jail management at sa pagpapalakas ng ASEAN cooperation sa correctional system.

Kabilang sa mga tatalakayin ang isyu ng prisoner transfer sa mga bansang miyembro ng ASEAN.

Moira Encina- Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *