Bucor, naglunsad ng donation drive para sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan
Nagsimula nang kumalap ng mga donasyon ang Bureau of Corrections para sa mga naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa Cagayan.
Ayon sa Bureau of Corrections PIO, naglunsad ang kawanihan ng donation drive para matulungan ang mga apektadong pamilya at komunidad sa Cagayan na muling makabangon.
Ilan sa mga natanggap ng donasyon ng Bucor ay 4,000 pirasong bottled mineral water; mahigit 8,000 kilo ng bigas; nasa 3,000 de latang pagkain; mahigit 1,400 sachet ng kape, at mahigit 400 instant noodles.
Nakakalap na rin sila ng mga donasyong multi-vitamins, disposable face masks at hygiene kits.
Sinabi ng BuCor na para sa mga gustong magkaloob ng mga food packs, damit, gamot at bath essentials ay dalhin ang mga ito sa BuCor National Headquartes sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Moira Encina