Budget ng National Task Force Against Local Communists, ipinatatanggal ng mga Senador
Ipinatatanggal ng mga Senador ang budget ng National Task Force Against Local Communists.
Kapwa sinabi nina Senators Sherwin Gatchalian at Franklin Drilon na sayang ang 19. 4 billion na budget na inilaan sa ahensya na ginagamit lang sa kalokohan.
Samantalang maari itong magamit pandagdag na ayuda sa mga apektado ng COVID- 19 sa ilalim ng Social Amelioration Program.
Hamon ni Gatchalian sa halip na sumatsat sa media, dapat magpakita si Parlade ng mga ebidensya na magpapatunay sa kaniyang mga alegasyon.
Senator Sherwin Gatchalian statement
(The community pantries sprouting all over the country is the only piece of good news that we have seen especially under this almost neve,r-ending pandemic. Baseless allegations coming NTF-ELCAC is like dosing cold water over the warm enthusiasm of ordinary citizens helping ordinary citizens. With all due respect to General Parlade, as a high ranking official of government, he should be very careful and circumspect with statements and allegations as this will erode the trust and confidence of the people to the government and it’s officials. Sa halip na puro media interviews na ginagawa niya, magpakita na lang siya ng ebidensya na magpapatunay sa mga sinasabi niya”.
Hiniling na ni Drilon sa liderato ng Senado na paspasan ang pagtalakay sa kanyang inihaing panukalang batas na gawing krimen ang red tagging .
Sakaling maging batas ang mga mapapatunayang dawit sa red tagging ay maaring patawan ng hanggang sampung taong pagkakabilanggo at pagbabawalan ng maitalaga sa anumang posisyon sa gobyerno.
Statement Senator Franklin Drilon
(The recent events make the menacing effect of red-tagging more pronounced. We must put a stop to this immediately,)
Meanne Corvera