Budget Sec. Diokno iginiit na may dapat managot sa iligal na Disbursement Acceleration Program ng Aquino administration
Nanindigan si Budget Secretary Benjamin Diokno na dapat may managot o mabilanggo sa iligal na paggamit sa pondo ng Disbursement Accelaration Program o DAP.
Naniniwala si Diokno na hindi maisasakatuparan ang DAP kung walang pag-apruba mula kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kung susuriin anya ang mahabang listahan ng mga pinaglaanan ng DAP fund, ang mga nakinabang dito ay mula sa Partido Liberal na partido ni Aquino.
Tiniyak ng kalihim na iingatan nila ang mga dokumento ng DBM na mula sa dating administrasyon para may pagbabatayan ang mga magsasagawa ng imbestigasyon sa pinaggamitan ng DAP fund.
Handa rin ang DBM na magbigay ng kopya ng mga dokumento kung ito ay hihilingin ng DOJ, Ombudsman o ng Office of the Solicitor General.
Ulat ni: Moira Encina