Buhay ang nakasalalay sa pekeng gamot
Attention mga ka-Isyu , ingat tayo sa mga pekeng gamot, naglipana ngayon ‘yan! Kahit ang mga gamot na binibili online.
Tinututukan ngayon ng Food and Drug Administration o FDA partikular ang maintenance drugs na binibili natin.
Tama ang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang maparusahan ang mga tiwaling negosyante na nagpapakalat ng mga pekeng gamot.
At ngayon nga ay binabalak na katulungin ang Local Government Units o LGUs sa pamamamagitan ng pagpapalabas ng mga ordinansa.
Tulad ng ginawa sa Davao de Oro na bawal magtinda ng anomang uri ng gamot , kahit ‘yung mga over-the-counter na gamot sa lagnat at ubo, ang mga sari-sari store.
Para maiwasan na dito dalhin ng mga sindikato ang mga pekeng gamot.
Hindi maikakaila na marami sa ating mga kababayan ang naghahanap ng gamot kung saan makakakamura, natural lang naman, di ba ?
Pero, may mga lehitimong botika na nagtitinda ng generic drugs.
Meron tayong generic law.
Kaya bumili tayo sa mga lehitimong drugstore.
Ang sabi ay maglalabas ng ordinansa na ipagbabawal na sa sari-sari stores ang magtinda ng anomang uri ng gamot.
Buhay ang nakasalaylay, kapag pekeng gamot , natural, sa halip na makatulong ay makasama pa sa kalusugan.
Kaya dapat lang na may makasuhan.
Samantala, kakatulungin ng FDA ang Philipine National Police-CIDG at NBI.
Dapat na panagutin ang mga sangkot sa pagpapakalat ng mga pekeng gamot.
Dapat maparusahan, lalo pa’t may nalalabag sa batas ang Pharmacy Law, ang FDA Act of 2009,
At ang Special Law on Counterfeit Drugs.
Iba kasi ang pamemeke sa mga damit, bag, at kung ano-ano pa na puwede pang mapalampas .
Pero, ibang usapan kapag gamot na iniinom natin.
Pumapasok ito sa sistema ng katawan.
Delikado, mapanganib ang mga pekeng gamot.
Kaya nga ang sabi ng Pangulong Duterte, dapat ay seryosohin ang kampanya laban sa mga nagpapakalat ng mga pekeng gamot!