Bulacan isinailalim na sa “state of calamity” dahil sa dengue


Nagdeklara na ng state of calamity ang Bulacan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue kung saan labing isa katao na ang nasawi sa nasabing lalawigan.

 


Sa pamamagitan nito, magagamit na ng provincial government ang kanilang tatlumpu’t siyam na milyong calamity fund para gamiting pangtulong sa mga nabiktima ng dengue.

 


Tinatayang aabot na sa 4,771 na dengue case ang naitala sa Bulacan mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, mas mataas umano ng dalawang daang porsyento kumpara nitong nakaraang taon.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *