Bulacan, nakapagtala na ng unang kaso ng Delta variant
Nakapagtala na ng unang kaso ng Delta variant ng Covid-19 ang Bulacan, at ito ay sa bayan ng Bulakan.
Batay sa anunsiyo ng Rural Health Unit (RHU), natanggap nila ang report noong August 23, 2021.
Tiniyak ng RHU na agad nagsagawa ng hakbang ang Municipal Health Office (MHO) upang tugunan ang kasong ito.
Samantala, ngayong araw na ito (Miyerkoles) ay ipinabatid ng RHU Bulakan na nakapagtala sila ng 89 na panibagong kaso ng COVID-19. Bunsod nito, umabot na sa 1,742 ang kabuuang bilang ng nagpositibo mula nang magsimula ang pandemya.
Ang mga bagong naitalang positive cases ay mula sa:
Bambang -19
San Francisco -5
Bagumbayan – 2
San Nicolas – 8
Sta. Ana – 10
Matungao – 8
Tibig – 10
Balubad – 5
Maysantol – 7
Pitpitan – 5
San Jose – 1
Taliptip – 4
Sta. Ines – 1
Anim naman ang naitalang mga bagong nasawi, habang 32 ang naragdag sa mga gumaling.
Sa kabuuan ay 1,365 na ang bilang ng mga recovered patient sa Bulakan.
Dhen Mauricio Clacio