Bulacan police anti drug operations na ikinamatay ng 32 katao bibigyan ng patas na imbestigasyon ayon sa Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na magkakaroon ng patas na imbestigasyon ang reklamo laban sa Bulacan Police na nakapatay ng 32 drug personalities sa isinagawang simultaneous anti drug operations.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang Bulacan Police Anti drug operations ay resulta ng magkakahiwalay na operasyon at hindi sa iisang lugar lamang naganap.
Ayon kay Abella kung pagbabasehan ang after operations report ng Bulacan police pawang nanlaban ang mga biktima.
Inihayag ni Abella naka-recover ng mga baril, granada at mga bala ang mga otoridad sa ginawang police anti drug operations.
Ang insidente sa Bulacan police anti drug operations ay iniimbestigahan na ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police.
Ulat ni: Vic Somintac