Bulkan malapit sa Icelandic capital, pumutok
Sumabog ang isang bulkan sa kapitolyo ng Iceland, na ayon sa meteorological office ay ikatlo na sa loob ng dalawang taon na nagbuga ito ng lava.
Makikita sa local media footage ang malawak na usok na pumapailanlang mula sa ibaba, maging ang daloy ng lava na humigit-kumulang ay 30 kilometro o 19 na milya mula sa Reykjavik.
Photo: AFP
Ayon sa meteorological office, “The eruption is taking place in a small depression just north of Litli Hrutur (‘Little Ram’ in Icelandic) from which smoke is escaping in a north-westerly direction.”
Sinabi naman ni Thorvaldur Thordarson, Volcanology Professor sa University of Iceland, “There are three fissures with lava basically running in all directions. The fissures are in total around 200 to 300 meters long and it is a low intensity, effusive eruption. This means ‘it’s not causing widespread threats due to explosive activity’ but ‘if the eruption continues for long enough’ it could be a threat to infrastructure.”
Libu-libong maliliit na lindol ang naitala sa lugar bago ang pagsabog, na hudyat na ang magma sa ilalim ng lupa ay gumagalaw at may nalalapit na pagputok.
Photo: AFP
Pinayuhan ng mga awtoridad ng Iceland na huwag pumunta sa site, na anila’y nasa isang “difficult terrain without road connection,” hangga’t hindi nila nasusuri ang sitwasyon.
Ang magma ay lumabas sa lugar na ilang kilometro lamang ang layo mula sa pinaglabasan nito sa dalawang naunang pagputok sa nakalipas na dalawang taon.
Ang una ay noong March 19, 2021 sa Geldingadalur valley na tumagal ng anim na buwan, habang ang ikalawa ay nangyari noong August 3, 2022 sa Meradalir valley, na tumagal ng tatlong linggo.
Photo: AFP
Bago ang pagsabog noong 2021, ang rehiyon ay nanatiling tulog sa loob ng walong siglo, ngunit naniniwala ang mga volcanologist na ang bagong cycle ng pagtaas ng aktibidad ay maaaring tumagal ng ilang taon.
Ang mga effusive eruption na naganap sa lugar na ito sa ngayon ay hindi masyadong mapanganib, at hindi rin ito nagkaroon ng anumang epekto sa air traffic.
Sinabi ni Thordarson, “The eruption could last anywhere from ‘a few days’ to more than half a year like in 2021, or even longer.”
Ang Iceland ay mayroong 33 mga sistema ng bulkan na kasalukuyang itinuturing na aktibo, ang pinakamataas na bilang sa Europa. Ito ay may average na pagsabog tuwing limang taon.
Photo: AFP
Ang isla ng North Atlantic ay nakatayo sa tabi ng Mid-Atlantic Ridge, isang bitak sa sahig ng karagatan na naghihiwalay sa Eurasian at North American tectonic plate.
Noong Abril 2010, humigit-kumulang 100,000 flight ang nakansela, sanhi upang mahigit 10 milyong manlalakbay ang ma-stranded kasunod ng napakalaking pagsabog ng bulkang Eyjafjallajokull.
Ang iba pang mga bulkan, gaya ng Askja sa walang nakatirang kabundukan ng gitnang Iceland, ay nagpakita kamakailan ng mga palatandaan ng aktibidad.
Isa sa mga pinaka-mapanganib na bulkan sa bansa ay ang Katla, malapit sa timog baybayin. Huli itong sumabog noong 1918, na may hindi pangkaraniwang mahabang pagtulog na nagmumungkahi ng nalalapit na muling paggising.
Ang pagsabog noong1783 ng Laki volcanic fissure sa timog ng isla, ay itinuturing ng ilang mga eksperto bilang ang pinakamapangwasak sa kasaysayan ng Iceland, na nagdulot ng pinakamalaking sakuna sa kapaligiran at sa sosyo-ekonomiko.
Nasa pagitan ng 50 hanggang 80 porsiyento ng mga alagang hayop ng Iceland ang namatay, na humantong sa isang taggutom na naging sanhi ng pagkamatay ng sang-kapat o 1/4 ng populasyon ng bansa.
Ang meteorological impact ng pagsabog ay nagkaroon din ng mga epekto sa loob ng ilang taon, kung saan iminungkahi ng ilang mga eksperto na maaaring may naging papel ito kaya na-trigger ang French Revolution.