Bulkan sa Canary Islands pumutok, 100 kabahayan sinira ng lava
Nasa 100 kabahayan ang winasak ng lava, matapos pumutok ang bulkan sa Canary Islands sa Spain, sanhi upang lumikas ang 5,500 katao.
Ang Cumbre Vieja ay pumutok noong Linggo ng hapon, kung saan nagbuga ito ng makapal at maitim na usok sa himpapawid at nagbabagang putik pababa sa gilid ng bundok sa isla ng La Palma.
Ayon sa Involcan, volcanology institute ng Canary Island, ang lava ay dumaloy sa bilis na 700 meters bawat oras na ang init ay halos 1,000 degrees Celcius o 1,830 degrees Fahrenheit.
Ayon kay Lorena Hernandez Labrador, isang councilor sa Los Llanos de Ariadne na nasa hilagangkanluran ng bulkan . . . “The eruption on this island of some 85,000 people, the 1st in 50 years, has caused significant damage with around 100 homes destroyed.”
Gayunman, sinabi ni Angel Victor Torres, regional head ng Atlantic archipelago . . . “We haven’t had any loss of human life which is the best news.”
Mahigpit nang minonitor ng mga eksperto ang bulkan, makaraang kakitaan kamakailan ng seismic activity at magma displacements.
Ang “earthquake swarm” o isang sequence ng seismic events na nangyayari sa maiksing panahon lang, ay nagsimula noong September 11.
Simula noon ayon sa Involcan, ay nagkaroon na ng libu-libong tremors, kung saan ang pinakamalakas ay may magnitude na halos umabot sa 4.
Ayon kay Stavros Meletidis mula sa National Geographic Institute ng Spain . . . “There are volcanoes in the Canary Islands that have erupted for days and others that have continued for several years. We are following the volcano’s activity very closely.”
Samantala, nagtungo si Prime Minister Pedro Sanchez sa La Palma noong Linggo matapos kanselahin ang kaniyang flight patungong New York para dumalo sa UN General Assembly.
Aniya . . . “The priority was to ensure people were safe. The volcano is still active, there would be some very long days ahead.”