Bulkan sa Iceland nagbubuga pa rin ng lava, isang buwan na ang nakalilipas
Nagbubuga pa rin ng orange lava bubbles at paminsan-minsan ay matataas na lava fountain, ang isang bulkan sa Iceland na isang buwan nang pumuputok, ito na ang ikalawang pinakamahabang pagsabog simula nang mag-umpisa ang volcanic activity sa rehiyon noong March 2021.
Sinabi ni Benedikt Ofeigsson, geophysicist sa Icelandic Meteorological Office (IMO), “It’s continuing at a pretty stable rate at the moment and we don’t see any real signs that it will end in the near future.”
Noong Marso 16, sumambulat ang lava mula sa isang bitak sa lupa sa Sundhnukagigar, sa peninsula ng Reykjanes sa timog-kanlurang Iceland, at mula noon ay nagpatuloy pa ang pag-agos.
Ayon sa IMO, sa pinakahuling pagsukat noong Abril 9, ang bulkan ay nagbubuga ng nasa 3.6 cubic metres ng lava kada segundo.
Ang iba pang mga pagsabog sa parehong rehiyon noong Disyembre, Enero at Pebrero — na sinundan ng paglikas noong Nobyembre ng 4,000 residente sa kalapit na bayan ng Grindavik, ay malamang na lumikha ng mga paborableng kondisyon para sa isang pangmatagalang pagsabog.
Sabi ni Ofeigsson, “Now there is an open channel to the surface.”
Aniya, “Magma is making its way through the Earth’s upper crust from a depth of at least 10 kilometres (6.2 miles).”
Ang pangyayari ay katulad sa unang pagsabog s rehiyon, malapit sa Mount Fagradalsfjall noong March 2021, na tumagal ng anim na buwan.
Kaibayo nito, ang iba pang mga pagsabog sa nakalipas na ilang buwan ay tumagal lamang ng ilang araw.
It is the second-longest eruption since the reawakening of volcanic activity on the Reykjanes peninsula in March 2021 / Jeremie RICHARD / AFP
Bukod dito, ang lupa ay naobserbahang umaangat o nagkakaroon ng tinatawag na ‘inflation,’ sa kalapit na lugar ng Svartsengi, na knaroroonan ng isang geothermal plant na siyang nagbibigay ng elektrisidad at tubig sa 30,000 katao sa peninsula.
Ayon kay Ofeigsson, “The inflation suggests that ‘all the magma coming from this depth doesn’t have the capacity to go straight to the surface,’ (and) is partly stored in this magma storage in Svartsengi.”
Hanggang noong Marso 2021, ang Reykjanes peninsula ay hindi nakaranas ng pagsabog sa loob ng walong siglo.
Naniniwala ngayon ang volcanologists, na nagsimula na sa rehiyon ang ‘isang bagong panahon’ ng seismic activity.
Bagama’t ang mga naunang eruptionsa lugar ay bukas sa publiko, ang isang ito ay isinara ng mga awtoridad, sa pangambang dumagsa ang mga bisita sa bayan ng Grindavik kung saan lumikas na ang mga residente.
An earthen berm has been built to protect the Blue Lagoon geothermal spa / Jeremie RICHARD / AFP
Noong Pebrero at Marso, ay maraming turista ang pumarada sa tabi ng kalsada malapit sa Blue Lagoon geothermal spa upang masilayan ang mga usok na pumapailanlang mula sa lupa na lampas lamang sa isang seksyon ng kalsada na natatakpan ng umaagos na lava.
Ang Blue Lagoon, na pinakamalaking atraksyong panturista ng Iceland, ay nakakatulad na ngayon ng isang kuta, na pinoprotektahan ng isang minadaling itayong pader ng lupa na isang dosenang metro ang taas.
Ang turquoise waters ng spa ay muling binuksan sa publiko noong Abril 6 makalipas ang tatlong linggong pagasara.
Gayunman, muli itong pansamantalang isinara ng dalawang araw dahil sa air pollution na iniu-ugnay sa gas emissions at hindi kanais-nais na hangin.
Ang maliit na fishing town ng Grindavik, ay isa na ngayong ghost town.
Ilang die-hard residents ang bumalik upang manirahan sa mga kapitbahayan na hindi gaanong nasa panganib mula sa daloy ng lava, ngunit ang karamihan ay matagal nang nag-impake ng kanilang mga ari-arian, at tinanggap ang alok na ipagbili na sa estado ang kanilang bahay.
Ang Thorkatla, isang realtor na espesyal na binuo bilang tugon sa emergency, ay nakatanggap ng 675 aplikasyon, kung saan ang estado ay nag-aalok ng 95 porsiyento ng tinantyang kasalukuyang halaga. Ang mga unang bentahan ay naganap noong nakaraang Biyernes.
The dark lava field and crater from the current eruption at Sundhnukagigar near Grindavik in southwest Iceland is visible in the background / Jeremie RICHARD / AFP
Sinabi ng residenteng si Solny Palsdottir, “We, at least at this point, need to start a new life, not here in Grindavik. But I really believe in my heart that I will come back, even though no one can say if it will be after some years or one year. I feel it in my heart that Grindavík will bloom again.”
Ang kanyang bahay, na itinayo niya mismo 15 taon na ang nakalilipas kung saan pinalaki nila ng kanyang asawa ang lima nilang anak at isang aso, ay hindi na matitirhan ngayon, dahil nagkabitak-bitak na ito bunga ng libu-libong lindol noong Nobyembre, bago ang sunod-sunod na mga pagsabog.
Ilang bloke lamang ang layo sa dulo ng bayan, ang lava ay dumaloy sa mga lansangan ng Grindavik nang mangyari ang pagsabog noong Enero, at tinabunan ang tatlong bahay.