Bulkan sa Indonesia nagbuga ng dalawang kilometrong taas ng ash cloud sa kalangitan
Isang bulkan sa Indonesia ang nagbuga ng dalawang kilometrong taas ng ash cloud sa kalangitan makaraang sumabog, habang nagbabala naman ang mga awtoridad sa mga residente tungkol sa potensiyal na panganib ng cold lava flows o lahar.
Ayon sa pahayag ng national disaster mitigation agency ng Indonesia o BNPB, “Mount Marapi in West Sumatra province erupted at 1:04 pm (0604 GMT), spewing thick grey clouds of ash two kilometres (1.2 miles) above its peak.”
Ang bulkan, isa sa pinaka-aktibo sa Indonesia ay dalawang linggo nang nakataas sa second-highest alert level ng four-tiered system ng bansa, kung saan inabisuhan ng mga awtoridad ang publiko na manatili sa labas ng 4.5-kilometer exclusion zone sa paligid ng crater nito.
Sinabi ni BNPB spokesman Abdul Muhari, “Local residents are advised to be vigilant over threats of cold lava flows following the eruption.”
Aniya, “People are urged to stay away from river areas that originate from the Marapi volcano and be on alert to the potential dangers of lahar that could occur, particularly when it rains.”
Ang cold lava, na kilala rin bilang lahar, ay magkahalong volcanic materials gaya ng abo, buhangin at maliliit na bato na tinatangay ng ulan at dumadaloy pababa sa dalisdis ng bulkan.
Dahil sa malakas na pag-ulan ngayong buwan, dumaloy ang volcanic debris patungo sa mga distrito malapit sa Marapi, na ikinamatay ng mahigit 60 katao, nawasak ang dose-dosenang mga bahay, at napinsala ang mga kalsada at mosque.
Paalala naman ng geological agency head na si Muhammad Wafid, “In the event of ash falls, residents should wear face masks to prevent respiratory problems and clear volcanic ash from the roofs of their houses to prevent collapses.”
Ang Indonesia, ay malimit na nakararanas ng seismic at volcanic activity dahil sa posisyon nito sa Pacific “Ring of Fire.”
Noong Disyembre ay pumutok ang Marapi at nagbuga ng ash tower na tatlibong metro (9,843 feet) ang taas sa himpapawid.
Hindi bababa sa 24 na climbers, na karamihan ay mga estudyante ang namatay sa naturang pagsabog.