Bulkan sa Russia, nagbuga ng abo sa Kamchatka peninsula
Sumabog na ang Shiveluch volcano sa Russia at nagbuga ng abo sa malawak na bahagi ng dulong silangan ng Kamchatka peninsula, na posibleng magdulot ng panganib sa mga flight at maging sanhi ng pagkaparalisa ng ilang villages.
Makikita sa mga video na ibinahagi ng mga opisyal ang isang malaking pader ng abo na umaakyat mula sa mayelong kagubatan.
Nag-isyu ng isang red code warning ang volcanologists para sa mga flight, at hinimok naman ng aviation authority ng Russia na Rosaviatsiya ang mga crew na “patuloy na subaybayan ang mga pagbabago sa meterological information.”
Iniulat ng Kamchatka Volcanic Eruption Response Team (KVERT), na sumusubaybay sa mga pagsabog sa rehiyon, na ang ash cloud ay pumailanlang daan-daang kilometro (milya) sa hilaga at timog-kanluran ng Shiveluch.
Sa kanilang red code alert notice ay sinabi ng KVERT, “An extrusive eruption of the volcano continues. Ash clouds of up to 15 kilometres (49,200 feet) tall … could occur at any time. Ongoing activity could affect international and low-flying aircraft.”
Ayon naman sa Rosaviatsiya, nag-isyu ito ng notice sa mga crew ng eroplano na nag-aatas sa kanilang tiyakin ang kaligtasan ng kanilang flights.
Idinagdag pa nito na nakahanda ang regional air traffic management teams, na “tulungan ang crews ng Russian at foreign airlines sa pagpili ng alternatibong ligtas na mga ruta.”
Sinabi ni Kamchatka governor Vladimir Solodov, na tatlong villages na kinabibilangan ng Kliuchy, Kozyrevsk at Mayskoye ang pinakagrabeng naapektuhan. Hinimok niya ang mga tao doon na manatili sa kanilang bahay at inanunsiyo na ang mga paaralan ay isinara.
Ang mga nabanggit na liblib na village ay nasa Kamchatka river sa silangang bahagi ng peninsula.
Sa kaniyang telegram post ay sinabi ni Solodov, “As much as possible, stay at home. We are waiting for the forecasts of volcanologists monitoring the eruption to assess how long the ashfall will last, and schools would switch to remote classes for the duration of the aftermath of the disaster.”
Aniya, “There were some problems with water supply and the authorities were delivering bottled water. Health officials had ‘gone and went into every house, every apartment’ in the villages to check on residents.”
Ayon sa KVERT, ang Shiveluch ay nasa pagitan ng 60,000 at 70,000 years old, at isa sa pinakamalaking bulkan sa Kamchatka Peninsula na kakaunti lamang ang populasyon.
Sa pagtaya ng Global Volcanism Program ng Smithsonian Institution, wala pang 12,000 katao ang nakatira sa loob ng 100 kilometrong radius ng Shiveluch.
© Agence France-Presse