Bulkang Taal, ibinaba na sa Alert Level 2
Ibinaba na sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa bulkang Taal.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), na dahil ito sa pagbaba na rin ng mga naitatalang aktibidad sa bulkan gaya ng phreatomagmatic eruption, insidente ng mga volcanic earthquake at degassing sa main crater ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, March 26 nang huling makapagtala ang bulkan ng higit sa 80 pagyanig, at mula noon ay hindi na naragdagan o lumampas pa sa 80.
Sa ilalim ng Alert Level 2 ay maaari nang bumalik sa kanilang mga tahanan ang nagsilikas na mga residente, nguni’t ipinagbabawal pa ring magpunta sa volcano island at ang paglipad ng mga aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.