Bulkang Taal, itinaas sa Alert Level 3
Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert level sa Taal Volcano ngayong Sabado, na nagbababala na mayroong magmatic intrusion sa Main Crater na maaaring magdulot ng sunod-sunod na mga pagsabog.
Ang Alert Level 3 ay itinaas ng Phivolcs sa Taal Volcano, na huling pumutok noong Enero 2020, kasunod ng isang phreatomagmatic burst at tuloy-tuloy na phreatomagmatic activity, na naglabas ng 1,500-metrong taas ng usok na may kasamang volcanic earthquake at infrasound signals.
Ang Phreatomagmatic activity ay nangangahulugan, na nagkakaroon ng “explosive interaction” ang tubig at magma para maglabas ng mga gas at steam.
Dahil sa Alert Level 3 sa Taal, mahigpit na inirerekomenda ng Phivolcs na ang Taal Volcano Island at mga barangay Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo town sa Batangas, at barangays Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel town sa Batangas ay ilikas dahil sa posibleng panganib ng pyroclastic density currents — o mainit, mabilis na daloy ng gas, abo at mga debris, maging ng tsunami kung mangyari ang mas malalakas na pagsabog.
Muli ring ipinaalala ng Phivolcs sa publiko, na ang buong Taal Volcano Island ay isang permanent danger zone kaya’t ipinagbabawal ang pagpasok rito, maging sa “high-risk” barangays ng Agoncillo at Laurel.
Sinabi rin nito na ang lahat ng mga aktibidad sa Taal Lake ay hindi dapat payagan sa ngayon, at dapat payuhan ng civil aviation authorities ang mga piloto na iwasang lumipad sa ibabaw ng Taal Volcano Island.
Ayon sa Phivolcs . . . “Communities around the Taal Lake shores are advised to remain vigilant, take precautionary measures against possible airborne ash and vog and calmly prepare for possible evacuation should unrest intensify.”
Ang huling pagputok ng Taal Volcano ay naging sanhi ng paglikas ng libu-libong katao at lubhang nakaapekto sa mga negosyo, laluna sa Batangas at kalapit na resort town ng Tagaytay City.