Bulkang Taal sa Batangas nagpapakita ng abnormal na aktibidad
Nakapagtala ng anim na volcanic earthquakes at limang volcanic tremor ang Taal Volcano sa Batangas.
Sa bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, bukod sa mga nabanggit na aktibidad dalawang maliliit na phreatomagmatic eruption na tumagal ng anim hanggang pitong minuto ang naitala ng ahensya.
Nakapagtala ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa at sa bunganga ng bulkan kung saan nakapaglabas ito ng puting usok o sulfur dioxide na nasa 6700 tonelada kada araw.
Sa ngayon nananatili sa alert level 1 ang bulkan kaya patuloy na inaabisuhan ang publiko na iwasan ang pagtungo Volcano Island dahil sa mapanganib na gas na ibinubuga ng bulkan maging ang biglaang mga phreatic explosions.
Ghadzs Rodelas