Bullet train service sa Japan naantala dahil sa ahas
Kahit ang maliliit na mga delay sa ipinagmamalaking bullet train ng Japan ay bihira, lalunang kakaiba na kaya naantala ang biyahe nito ay dahil sa ahas.
Nitong Martes ng gabi, inalerto ng isang pasahero ang security dahil sa isang ahas na 40-sentimetro (halos 16 na pulgada) ang haba na gumagapang sa tren sa pagitan ng Nagoya at Tokyo, na nagresulta upang matigil ang biyahe ng 17-minuto.
Ayon sa tagapagsalita ng Central Japan Railway Company, hindi malinaw kung ang ahas ay makamandag o kung paano iyon napadpad sa tren. Wala namang nasaktan at hindi rin nag-panic ang mga pasahero.
Ang mga mananakay sa Shinkansen ay puwedeng magdala ng maliliit na aso, pusa, at iba pang hayop gaya ng kalapati sa kanilang pagsakay sa tren, ngunit hindi ahas.
Sinabi ng tagapagsalita, “It’s difficult to imagine wild snakes somehow climbing onto the train at one of the stations. We have rules against bringing snakes into the shinkansen. But we don’t check passengers’ baggage.”
Unang inilunsad noong 1964, ang shinkansen network ay hindi pa nakaranas ng isang aksidente na nagresulta sa anumang fatalities o injuries ng mga pasahero ayon sa Japan Railways.
Ang tren ay kayang tumakbo ng 285 kilometro (177 milya) bawat oras, na may average delay na 0.2 minutes.