Bumagal ang Inflation rate nitong Agosto
Bumagal sa 3.3 percent ang Inflation rate ng bansa nitong Agosto.
Ito ay mula sa 4.4 percent noong Hulyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, mas mababa rin ito sa naitalang 5.3 percent noong Agosto ng nakalipas na taon.
Ang downtrend ng overall inflation ay dahil sa mas mababang presyo ng food at non-alcoholic beverages na naitala sa 3.9 percent nitong Agosto mula sa 6.4 percent noong Hulyo.
Please follow and like us: