Bunsod ng nakapapasong init sa US, ‘fire whirls’ nagbabanta sa Joshua tree desert

Desert sky: Joshua trees have been scorched in the out-of-control York Fire that is tearing through the Mojave Desert in the southwestern United States (DAVID SWANSON / AFP)

Isang malaki, nagngangalit at hindi makontrol na wildfire ang nagaganap sa environmentally sensitive Mojave Desert, at ang “fire whirls” ay nagbabanta sa Joshua trees na halos lahat ay matatagpuan sa southwestern United States.

Humigit-kumulang 77,000 ektarya na ang nasunog mula noong magsimula ang York Fire noong Biyernes, na pinasiklab noong weekend ng malakas na hangin at umiinit na temperatura.

Ayon sa Bureau of Land Management, ang federal agency na in charge sa lugar, higit sa 250 bumbero ang idineploy upang subukang apulahin ang sunog.

Sinabi ng ahensiya, “Firefighters on the north side of the fire observed fire whirls, also known as whirlwinds. They have the potential to spread embers over long distances and can start new fires ahead of the main fire front. Additional fire whirls can change direction suddenly, making them unpredictable.”

Ang sunog ay potensiyal na makapipinsala sa Mojave Desert, isang popular na protected area na kilala para sa kaniyang biodiversity.

Ang rehiyon ay tahanan ng mga pawikan, fox at lynx, maging ng malaking bilang ng Joshua trees, isang uri ng flowering yucca na maaaring mabuhay ng daan-daang taon, ngunit mahina ang “natural resistance” nito sa apoy.

Ang halaman, na maaaring lumaki hanggang 15 metro (50 talampakan), ay sagisag ng disyerto ng US West at naging sikat sa buong mundo pagkatapos lumabas ng 1987 album ng bandang U2 na may titulong “The Joshua Tree.”

Ang global warming na dulot ng tao ay nagbabanta na sa mga nabanggit na uri ng puno, na ang populasyon ay tinamaan nang husto ng 2020 wildfire na ikinamatay ng 1.3 milyong Joshua tree.

Ilang linggo nang sobra ang init sa mga bahagi ng rehiyon, kung saan ang temperatura sa Phoenix ay naitala sa 110 Fahrenheit (43 Celsius) sa loob ng 31 magkakasunod na araw.

Bagama’t ang mga heatwave ay isang natural phenomenon, sinabi ng mga siyentipiko na ang hindi mapigil na pagsunog ng tao sa fossil fuel ay nagpapainit sa temperatura ng Mundo at nagpapalala sa extreme weather events, na nagpapataas sa panganib ng mga nakapipinsalang wildfire.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *