Buong Luzon isinailalim ni Pangulong Duterte sa State of Calamity
Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Luzon.
Ang deklarasyon ay batay na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos ang sunod sunod na pananalasa ng bagyo sa bansa.
Sinabi ng pangulo na nilagdaan na nito ang proklamasyon para sa pagdedeklara ng state of calamity.
Dahil dito magagamit ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang quick response fund para matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.
Magugunitang magkakasunod na bagyong Quinta, Rolly at Ulysses ang puminsala sa malaking bahagi ng Luzon.
Please follow and like us: