Buong puwersa ng Gobyerno at Media gagamitin na ng Malakanyang para ipaunawa ang Federalismo

 

Gagamitin na ng Malakanyang ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at media para sa malawakang information campaign para ipaliwanag ang isinusulong na Federalismo.

Sinabi ni Presidential Communications secretary Martin Andanar na  aatasan ng Malakanyang ang mga Cabinet Officials na lumahok sa pagpapaliwanag  ng Federalismo.

Ayon kay Andanar, gagamitin din ang Department of Education at Commission on Higher Education para ipaliwanag sa mga estudyante ang Federalismo.

Inihayag ni Andanar na maging ang media lalo na ang broadcast media ay pakikiusapan ng gobyerno na maglaan ng oras para talakayin ang Federalismo.

Gagawin ng Malakanyang ang massive informational campaign matapos  lumabas sa survey na mayorya parin sa mga pinoy ay hindi naiintindihan ang Federalismo.

Secretary Andanar :

“It is very important to us to go around the countryside to explain to the rest of the population what is federalism. we are also involving all of the cabinet secretaries to join the information team to explain federalism including the Academe, DepEd, Ched and the media”.

 

Ulat ni : Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *