Bureau of Immigration naghihigpit na rin sa mga pasaherong galing Cambodia at Vietnam
Inatasan na ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang kanilang mga tauhan na maghigpit sa pagsala sa mga dumarating na dayuhan mula Cambodia at Vietnam.
Bilin ni Tansingco ang mga dayuhan na may kaduda dudang rason sa pagbisita sa Pilipinas ay dapat agad isailalim sa secondary inspection.
Ang hakbang ng BI ay kasunod ng reports na tumataas ang mga insidente ng kidnapping at extortion mula sa mga sindikato na galing sa mga nasabing bansa.
Una rito, natalakay ang nasabing isyu sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs nitong nakaraang linggo.
Tiniyak ng BI ang mahigpit na koordinasyon sa mga law enforcement agency sa bansa para mapaigting ang border security.
Madelyn Villar – Moratillo