Bus sa Peru nahulog sa bangin, 25 patay
Isang bus ang nahulog mula sa gilid ng isang makitid na kalsada sa bundok sa timog-silangang Peru, na ikinamatay ng 25 katao kabilang ang dalawang bata.
Nangyari ang aksidente bago mag-madaling araw habang bumibiyahe ang bus sa pagitan ng dalawang bayan ng Andes sa 200-metro (656-talampakan) na bangin sa rehiyon ng Huancavelica.
Sinabi ni Defense Minister Jorge Chavez, na 25 ang namatay at 34 ang nasaktan.
Nagpaabot naman ng kaniyang pakikiramay sa mga mahal sa buhay ng mga nasawi si Pangulong Dina Boluarte, na kasalukuyang nasa New York para sa United Nations General Assembly.
Isang aksidente sa kaparehong rehiyon ang nangyari noong isang buwan na ikinamatay ng 13 katao, at malubhang ikinasugat ng limang iba pa.
Malimit mangyari ang mga aksidente sa kahabaan ng mga higway sa Peru, dahil sa mabilis na pagpapatakbo, hindi magandang lagay ng kalsada, kakulangan ng mga signage at mahinang pagpapatupad ng mga panuntunan sa trapiko.
Sa pagtaya ng World Health Organization, ay mayroong 4,414 road fatalities sa Peru noong 2019, o 13.6 kada 100,000 inhabitants.