Buwan, tinamaan ng tatlong toneladang space junk
Tinamaan ng tatlong toneladang space junk ang buwan, na ayon sa mga eksperto ay kayang makalikha ng crater na may sukat na 10-20 metro.
Sa pamamagitan ng satellite images, aabutin pa ng ilang linggo o buwan bago makumpirma ang pinsalang idinulot ng leftover rocket, na may bilis na 9,300kph.
Noong una ay inakalang ang rocket ay pag-aari ng SpaceX, nguni’t kalaunan ay nabatid na ang China ang naglunsad nito, isang dekada na ang nakalilipas.
Itianggi naman ng China na kanila ang leftover rocket na tumama sa buwan.
Please follow and like us: