Buwis na ipinapataw sa tinatanggap na honorarium ng mga guro, ipatatanggal na
Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na tanggalin ang mga ipinapataw na buwis sa honoraria at mga allowances ng mga public school teachers na nagsisilbi tuwing eleksyon.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, isa ito sa mga panukalang una nang ihahain sa pagbubukas ng 18th Congress sa Hulyo.
Gagawin niya ito bilang pagkilala sa ambag ng mga guro na nagsisilbing miyembro ng Electoral board.
Sa kasalukuyang Election Service Reform Act, ang guro na nagsisilbing chairman ay entitled sa 6,000 pisong honorarium, habang 5,000 piso naman sa mga electoral board bukod pa sa isang libong travel allowance.
Malaking tulong aniya ito para madagdagan ang take home pay ng mga guro habang hindi pa umuusad ang panukalang itaas ang kanilang buwanang suweldo.
Ulat ni Meanne Corvera