ByteDance ng China, inaming ginamit ang TikTok data para sundan ang mga mamamahayag

(FILES) This file illustration photo taken on May 27, 2020 This illustration picture shows the logo of the social network application Tik Tok on the screen of a phone. - US President Donald Trump said on July 31, 2020 that he planned to bar the the fast-growing Chinese-owned social media app TikTok from operating in the United States. (Photo by Martin BUREAU / AFP)

(FILES) This file illustration photo taken on May 27, 2020 This illustration picture shows the logo of the social network application Tik Tok on the screen of a phone. – US President Donald Trump said on July 31, 2020 that he planned to bar the the fast-growing Chinese-owned social media app TikTok from operating in the United States. (Photo by Martin BUREAU / AFP)

Inamin ng Chinese tech giant na ByteDance, na in-access ng kanilang mga empleyado ang data mula sa social media platform na TikTok upang subaybayan ang mga mamamahayag, upang matukoy ang pinagmulan ng leaks sa media.

Pinaghirapan ng husto ng TikTok na kumbinsihin ang mga customer at gobyerno ng mga pangunahing merkado tulad ng United States, na protektado ang privacy ng data ng mga user at hindi ito magdudulot ng banta sa pambansang seguridad.

Subalit sinabi ng parent company nito na ByteDance, na in-access ng ilan nilang mga tauhan ang data ng dalawang mamamahayag bilang bahagi ng isang internal investigation kaugnay ng pag-leak ng mga company information sa media.

Ayon sa isang email mula sa general counsel ng ByteDance na si Erich Andersen, umaasa sila na matutukoy ang kaugnayan sa pagitan ng staff at isang Financial Times reporter at isang dating BuzzFeed journalist.

Ang dalawang nabanggit na mamamahayag ay kapwa nag-ulat ng mga nilalaman ng nag-leak na company materials.

Sinabi ni Andersen, na inalis na sa kompanya ang mga empleyadong nadiskubreng sangkot pero hindi nito tinukoy kung ilan ang tinanggal.

Sa isang pahayag ay sinabi ng ByteDance na kinukondena nito ang “misguided initiative na seryosong lumabag sa Code of Conduct” ng kompanya.

Sinabi pa ni Andersen, na nakuha ng mga empleyado ang mga IP address ng mga mamamahayag sa layuning matukoy kung nasa parehong lokasyon sila ng mga kasamahan sa ByteDance na pinaghihinalaang nagbubunyag ng konpedensiyal na impormasyon, na natuklasan sa isang pagsusuri ng kumpanya sa scheme na pinamumunuan ng compliance team nito at isang panlabas na law firm.

Gayunman ay nabigo plano, bahagyang dahil sa ang mga IP address ay nagpahayag lamang ng tinatayang data ng lokasyon.

Muling natuon ang pansin ng Estados Unidos sa TikTok, noong nakatakda nang aprubahan ng Kongreso ang isang nationwide ban sa paggamit sa napakasikat nang short-video app sa government devices, dahil sa mga nakikitang security risks.

Sa linggong ito ay maaaring magpatibay ng isang batas ang House of Representatives, na magbabawal sa paggamit ng TikTok sa professional phones ng civil servants, isang hakbang na susunod sa mga pagbabawal sa humigit-kumulang 20 estado ng US.

Sinikap ng TikTok na kumbinsihin ang mga awtoridad sa US na ang data ng US ay protektado at nakaimbak sa mga server na matatagpuan sa bansa.

Ngunit kasunod ng mga ulat sa media, inamin din nito na ang mga empleyadong nakabase sa China ay may access sa data ng mga user ng US, bagama’t iginiit ng kompanya na ito ay nasa ilalim ng “strict at highly limited circumtances.”

© Agence France-Presse

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *