CA nagtakda ng pagdinig sa hirit na TRO ng mighty corporation
Nagpatawag ng pagdinig ang Court of Appeals sa hiling ng kontrobersyal na cigarette company na Mighty Corporation na pigilin nito ang raid ng Bureau of Customs sa kanilang mga warehouse.
Sa resolusyon ng CA Fourth Division, itinakda ang pagdinig sa April 20 sa ganap na alas dos ng hapon sa CA Paras Hall.
Kaugnay nito, inatasan ng Appellate Court ang BOC na maghain ng komento sa petisyon ng Mighty Corporation sa loob ng 10 araw.
Nais ng hukuman na ipaliwanag ng BOC kung bakit hindi dapat na ipatigil ng CA ang kanilang pag-inspeksyon at pagsalakay sa mga pasilidad ng local tobacco firm.
Naghain ng petisyon sa CA ang Mighty Corporation nang ibasura ng Manila Regional Trial Court ang hiling nila na palawigin ang pagpigil sa BOC na magsagawa ng raid sa mga warehouse nila.
Ulat ni: Moira Encina