CA pinal na ibinasura ang hirit na hospital transfer ni dating ARMM Gov. Datu Zaldy Ampatuan
Tuluyan nang ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang hirit ni mass murder convict na si dating Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Governor Datu Zaldy Ampatuan para mailipat siya ng pagamutan mula sa New Bilibid Prisons (NBP).
Sa ruling ng CA Former 17th Division, tinanggihan nito ang apela ni Ampatuan laban sa naunang desisyon na nag-apruba sa pagbasura ng Quezon City court korte sa Quezon City na mailipat ito sa ospital mula sa Bilibid noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sa motion for reconsideration ni Ampatuan, sinabi nito na hindi pa moot and academic ang kaniyang hirit dahil hindi naman ang posibleng pagkahawa sa COVID ang dahilan kung bakit nais niya na madala sa ibang pagamutan.
Ito ay bunsod aniya ng mga umiiral niya na karamdaman na nagsasa-panganib sa kaniyang buhay.
Pero nanindigan ang CA na moot na ang petisyon dahil ang hirit ni Ampatuan na hospitalization nainihain sa QC RTC ay nakabatay sa COVID situation noong Hunyo 2020.
Wala rin umanong nailatag na bagong argument si Ampatuan sa mosyon nito at inulit lamang ang mga isyu na natalakay na ng CA noong nakaraan.
Moira Encina